Bocaue, Bulacan – Bagamat pagkaraan ng Pasko, sinimulan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) ang mas pinaigting na pag-iinspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, ngayong araw, pormal na inilunsad ang Oplan Iwas Paputok ng Bocaue PNP.
Layon nitong matiyak ang zero casualty sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa datos ng DOH, 630 ang firework-related injuries ang naitala noong isang taon.
Kaakibat ng inilunsad na programa ng iba’t-ibang kagawaran ang pagsusulong ng pagbabawal ng paggamit ng malalakas at maiingay na mga paputok, maging ang pagpapaalala tungkol sa Executive Order 28 o ang pagtatakda ng mga lugar kung saan lamang pwedeng magpaputok at magpailaw.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay Super Lolo, Whistlebomb, Goobye Earth, Atomic Big Triangulo, Piccolo, Judas’ Belt, at Watusi.