Dagupan – Inilatag na ng pulisya ang kanilang paghahanda sa seguridad para sa nalalapit na pagdiriwang ng fiesta ng Dagupan.
Ayon sa Dagupan PNP, magkakaroon sila ng dagdag na puwersa sa pagbabantay ng seguridad partikular sa mga dadagsa sa lungsod.
Nabatid na noong nakaraang buwan pa lamang ay pinaghahandaan na ng pulisya ang nasabing okasyon.
Isang daang porsyento na din silang naka-alerto dahil sa nagsabay ang holiday season at ang pagdiriwang ng Dagupan fiesta.
Facebook Comments