Abra – Kinansela muna ng Philippine National Police (PNP) ang implementasyon ng permit sa pagdadala ng baril o Permit to carry firearms outside of residence at permit sa pagta-transport at pagbili ng mga pampasabog at mga ginagamit sa paggawa nito o itong Permits to Transport and Purchase of Explosives/ Explosive Ingredients sa Abra.
Inaprobahan mismo ito PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos na hilingin ito ni Cordillera Administrative Region PNP Regional Director Police Chief Supt. Edward Carranza.
Layon nitong matiyak na magiging payapa ang mga malalaking aktibidad na gagawin sa lalawigan ng Abra.
Partikular ang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet, Bangued Town Fiesta at Kawayan Festival.
Tanging mga miyembro lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang Law Enforcement Agencies na naka-duty at nakasuot ng kanilang uniporme ang exempted sa kanselasyon ng PTCFOR o pagbitbit ng baril at pampasabog.