BANTAY SEGURIDAD | Philippine National Police, naka-full alert status na ngayong holiday season

Manila, Philippines – Naka-full alert na ang Philippine National Police ngayong holiday season.

Ayon kay National Capital Region Police Office Dir. Oscar Albayalde, kabuuang 9,500 na police personnel ang ipinakalat sa buong Metro Manila.

Aniya, maging ang mga bagong pulis ay ipinatigil muna ang training para magbantay sa seguridad.


Maging aniya ang mga pulis na nasa folating status o yung may mga kinahaharap na kaso ay idineploy.

Kasabay nito, nagbabala naman si Albayalde sa mga pulis na mahuhuling hindi gagawin ang kanilang duty.

Facebook Comments