BANTAY SEGURIDAD | Pilipinas, unti-unti nang natutunan ang mga istratehiya para labanan ang violent extremism sa bansa

Manila, Philippines – Natututo na ang Pilipinas sa mga istratehiya sa paglaban sa violent extremism.

Ito ang naging obserbasyon ni Irfan Saeed, speaker sa isinagawang teleconference na ginanap sa Washington DC kagabi (Philippine time), kaugnay sa effort o mga hakbang ng Estados Unidos para labanan ang mga nagaganap na violent extremism.

Sa isinagawang teleconference sinabi ni Saeed na patuloy na sinisikap ngayon ng Pilipinas na ma-address ang karahasan o violent extremism at terorismo, kahit na nitong nakalipas na taon lamang ay sinalakay ng ISIS ang southern part ng bansa partikular ang Marawi City.


Hindi naman direktang masabi ni Saeed kung muling makakapanggulo sa iba pang bansa sa south east asia ang isis, aniya ang tanging alam nya ay hindi na namimili ng lugar ang teroristang grupo para maghasik ng gulo.

Sa ngayon kailangang aniya ng whole approach o magtulong tulong ang mga bansa sa South East Asia upang pigilan ang panggugulo ng ISIS at iba pang international terrorist group.

Payo ni Saeed sa bawat lider ng bansa ay magkaroon ng malalim na pagsasaliksik kung paano lalaban ang terorismo upang makabuo na action plan.

Para kay Saeed ang paraan sa paglaban sa karahasan ay nakadepende sa stratehiya ng isang bansa.

Si Saeed ay ang namamahala ngayon sa isang opisina sa Estados Unidos na tumututok sa strategy and policy formulation for international counter violent extremism.

Facebook Comments