BANTAY SEGURIDAD | Task group, binuo ng PNP para tiyakin ang mapayapang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival

Kalibo, Aklan – Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng task group na titiyak para maging mapayapa ang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival na na tinawag na The Site Task Group Ati-atihan festival.

Sa press statement ng PNP ang task group ay binubuo ng 1,418 public safety personnel mula sa law enforcement, fire, and medical emergency services.

Partikular mula sa hanay ng PNP, Local Government Units, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at iba pang mga stakeholders.


Sinabi naman PNP region 6 Regional Director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag na handing-handa na sila sa pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad sa buong panahong pagdiriwang ng nasabing religious festival.

Apela naman ni Binag sa mga dadalo sa selebrasyon na maging alerto at mapagmatyag upang mapigilak ang anumang tangkang panggugulo ng anumang grupo.

Ang ati-Atihan Festival at gagawin sa darating na araw ng Linggo.

Facebook Comments