Patuloy na inaabangan ang magiging desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 kaugnay ng isinampang kasong kudeta laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Alas otso kanina nang mag-umpisa ang office hours sa Makati courts at tatagal hanggang alas kwatro y medya ng hapon.
Nabatid na bago magtanghali kahapon nang umalis si Judge Andres Soriano na may hawak sa kaso ni Trillanes at dumalo sa courtesy call kay SC Chief Justice Teresita De Castro.
Dumating din kahapon sa hukuman si Senior Superintendent Rogelio Simon, Chief ng Makati PNP upang kumuha ng update pero bigo din itong makakuha ng impormasyon kung kailan ilalabas ang warrant of arrest laban sa senador.
Ang kasong kudeta na kinakaharap ni Senador Trillanes sa Branch 148 ay nabatid na non-bailable kung kaya at kapag naglabas ang korte ng warrant of arrest ay ikukulong na ang senador.