Nanindigan si Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano na hindi siya maglalabas ng resolusyon hinggil sa kahilingan ng DOJ na magpakabas ng warrant of arrest ang Mababang Korte laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sa ginawang ambush interview ng media sinabi ni Judge Soriano na hindi muna siya magpapalabas ng resolusyon laban kay Trillanes pero hindi pa niya alam kung kailan ang plano niyang magpalabas ng resolusyon hinggil sa kahilingan ng DOJ na inatasan ang Mababang Korte na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.
Sa kabila ng pahayag ni Judge Soriano na hindi siya magpalabas ng resolusyon ay nananatili pa rin ang media sa labas ng Makati RTC Branch 148 dahil sa hindi inaasahang biglang magbago ang isip ng hukom at agad na magpalabas ng resolusyon laban sa senador.
Maliban sa mga tauhan ng CIDG mayroon ding mga pulis ng Makati ang naka istambay sa labas ng Makati RTC Branch 148 kaya duda ang mga mamamahayag na anumang oras ay posibleng magbago ang isip ni Judge Soriano at kaagad magpalabas ng resolusyon.
Matatandaan na noong Martes ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Makati RTC Branch 150 pero nakapaglagak din ng kaukulang piyansa si Trillanes sa halagang P200,000.