BANTAY-TRILLANES | Kampo ni Trillanes, hindi muna aapela sa SC at Makati RTC

Manila, Philippines – Hindi muna magsasampa ng apela sa Korte Suprema at sa Makati Regional Trial Court Branch 150 ang kampo ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Atty. Reynaldo Robles, abugado ni Trilanes, sa mga susunod na araw pa sila maghahain ng Motion for Reconsideration (mr) sa Makati RTC Branch 150 kung saan binuhay ang kasong rebelyon laban kay Trillanes.

Paliwanag ni Robles, hindi nila kailangang magmadali sa paghahain ng MR dahil nakapag-piyansa naman si Trillanes at mayroon itong 15 araw para umapela.


Patuloy rin aniya nila hihintayin ang ruling ng SC sa kanilang petisyon na ipawalang bisa ang Proclamation Number 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpawalang saysay sa amnestiya ni Trillanes.

Facebook Comments