Manila, Philippines – Naglabas ng media coverage guidelines ang Makati Regional Trial Court (RTC) 148 para sa pagdinig sa hiling ng Department of Justice (DOJ) sa arrest warrant at hold departure order (HDO) laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Makati RTC 148 Clerk of Court Atty. Mara Peralta, ipinagbabawal ng korte ang kahit na anong audio at video recorders sa loob ng courtroom, sa oras na magsimula ito ganap na alas 9:00 ngayong umaga ng Huwebes.
Papayagan naman aniya ang mga cameras at recorders bago at pagkatapos ng pagdinig.
Sabi pa ni Peralta, isang reporter lang sa bawat media entity ang papayagan sa loob ng courtroom.
Una nang napagdesisyunan ng Supreme Court (SC) na ang Makati City Court na una nang duminig sa kaso ni Trillanes ang dapat magdesisyon sa legalidad ng proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa amnesty ng senador.