Inaasahang maglalabas na ng desisyon si Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano anumang oras mula ngayon.
Ito ay kaugnay sa hirit ng Department of Justice (DOJ) na warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV kaugnay nang kinakaharap nitong kasong kudeta.
Sa ambush interview kay Police Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati city Police alas dos mamayang hapon inaasahang mag-a-update muli si Judge Soriano.
Sa ngayon hindi pa masabi ni Colonel Simon kung kinatigan ba ni Judge Soriano ang hiling na WOA kay Trillanes.
Antangi lamang nitong nasabi ay mahaba ang resolusyon ng hukom at nasa proof reading stage na ito sa ngayon.
Maliban kay Simon kasama nitong nagtungo sa sala ni Judge Soriano si CIDG Chief Fernando Ortega.
Nag-ugat ang kaso makaraang ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iginawad na amnesty kay Senador Trillanes sa pamamagitan ng Executive Order #572.
Si Trillanes ay nahaharap sa non bailable case na Coup d’etat sa Makati RTC B148 kaugnay ng Oakwood mutiny, marine standoff at Manila Peninsula Siege.