BANTAY-TRILLANES | OSG, humirit sa Makati RTC na ipaaresto na si Trillanes

Hiniling na rin ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Makati RTC Branches 148 at 150 na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes.

Ito ay matapos masilipan ng butas ng OSG ang petisyon ni Trillanes sa Korte Suprema kontra sa Proclamation Number 572.

Sa kanilang dalawang daang pahinang komento, hiniling din ng OSG sa Supreme Court (SC) na tuluyan nang ibasura ang petisyon ni Trillanes.


Ayon sa OSG, inamin na mismo ng kampo ng senador sa pagdinig ng Makati Regional Trial Court Branch 148, noong September 13 na wala syang aplikasyon at walang pag-amin ng pagkakasala kaugnay ng mutiny at kudeta noong 2003 at 2007.

Facebook Comments