Manila, Philippines – Pinare-call na ng Philippine National Police (PNP) ang security detail ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Chief Superintendent Filmore Escobal, director of PNP-Police Security and Protection Group (PSPG), pina-recall ang police escort ni Trillanes noong August 31 na siya ring araw nang ilabas ng Malacañang ang Proclamation No. 572, na nagpapawalang bisa sa amnestiya ng senador.
Ibinalik aniya ng PNP ang security detail ng senador sa mother unit na PNP-PSPG.
Sinasabi ring binigyan na ng bagong assignment ang security personnel na unang itinalaga kay Trillanes.
Facebook Comments