BANTAY-TRILLANES | SolGen Calida, naniniwalang panahon na para litisin si Trillanes

Manila, Philippines – Oras na para litisin si Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng pag-aresto ng Makati Regional Trial Court Branch 150 dito.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ipinakita lang sa utos ng korte na wala talagang bisa ang amnesty na ibinigay kay Trillanes.

Anya, welcome sa kanila ang pagkilala ng Makati RTC Branch 150 na may saysay ang Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte para maglabas sila ng arrest order at hold departure order (HDO) laban kay Trillnaes.


Sabi pa ni Calida, dapat nang papanagutin ang senador laban sa mga krimen nito sa bansa.

Facebook Comments