Manila, Philippines – Kasunod nang nakatakdang pagdinig ngayong araw ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 sa sala ni Judge Andres Soriano ng hirit ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) para sa kasong Coup d’etat laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Magpapakalat ng sapat na pwersa ang Southern Police District (SPD) sa paligid ng Makati City Hall.
Inaasahan kasing magtitipon-tipon ang mga taga suporta at kritiko ng senador.
Alas nuebe ngayong umaga sisimulan ang pagdinig.
Sa panig ng DOJ plantsado na ang lahat ng kanilang dokumento at testigo na magpapatunay na walang amnesty application ang senador.
Habang sa panig naman ng kampo ni Trillanes inaasahang 6 na testigo ang kanilang ilalabas at posibleng kasama dito ay si dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na una nang umamin na tinawagan umano siya ni Solicitor General Jose Calida at tinanong ang tungkol sa amnesty documents ng senador.
Ihaharap din nila si Colonel Josefa Berbigal, ang noon ay pinuno ng Department of National Defense (DND) Ad Hoc Committee na umano ay tumanggap ng aplikasyon ni Trillanes nang gawaran ito ng amnestiya noong 2011.