Hindi bababa sa 17 volcanic earthquakes ang naramdaman sa Bulkang Taal.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang 17 tremors ay mayroong duration na 60 hanggang 360 seconds.
Mayroon ding lumalabas na usok mula sa bukana ng bulkan na may taas na limang metro.
Naitala rin ang temperaturang hanggang 74.6 degrees Celsius at pH level 1.59 sa main crater lake noong Feb. 18 at Feb. 12.
Ang Bulkang Taal ay nananatili sa ilalim ng Alert Level 1 kung saan may posibilidad na magkaroon ng steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at pagbubuga ng volcanic gas.
Facebook Comments