#BantayBulkan | Pitong tremors, naitala sa Bulkang Kanlaon

Aabot sa pitong tremors ang naitala ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon.

Sa huling bulletin, ayon sa PHIVOLCS ay nakitaan ng moderate emission ng puting usok na may taas na 200 metro.

Mayroon ding Sulfur dioxide (SO2) emission na nasa 587 tons kada araw.


Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan, ibig sabihin ay abnormal pa rin ang kondisyon nito.

Pinaalahanan ang publiko na huwag pumasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibilidad ng steam-driven o phreatic eruptions.

Facebook Comments