*Cauayan City, Isabela-* Pinasinayaan na ang bantayog ng Wikang Yogad sa Bayan ng Echague, Isabela na layong ipalaganap ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa bansa.
Dinaluhan ito ng ilang Indigenous People Sector, mga guro, mag-aaral at mga kawani ng nasabing bayan.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Commisioner Purificacion Delima ng Komisyon ng Wikang Filipino, pang labing anim ang bayan ng Echague sa mga maswerteng nabigyan ng tanggapan sa paglalagay ng bantayog ng wikang pilipino.
Aniya, unti-unti na ring namamatay ang kulturang Pilipino ng mga tribung Gaddang at Negrito sa bansa kaya’t kailangang maisalba ang paggamit ng wikang Filipino.
Ayon naman kay Danielle Rebollos, Information Officer ng LGU Echague, kauna-unahan itong pagpapasinaya ng bantayog ng wikang Filipino sa buong Probinsya ng Isabela.
Samanatla, ang salitang Yogad ay nagmula mismo sa Bayan ng Echague, Isabela.