Manila, Philippines – Nabawasan pa ng dalawa ang bilang ng law graduates na kumuha ng bar examination nitong Linggo.
Ayon sa Office of the Bar Confidant ng Korte Suprema, 8,156 ang kabuoang bilang ng kumuha ng Civil Law and Taxation Law exam nitong Linggo.
Ito ay mula sa 8,158 Bar examinees na kumuha ng Political Law and International Law and Labor Law and Social Legislation exams noong November 4.
Una nang kinumpirma ng Korte Suprema na sa unang araw ng pagsusulit, mahigit limang daang law gradutes ang hindi sumipot sa bar exam
Ito ay mula sa kabuuang nagpatala na 8,701 law graduates.
Sa November 18 ang ikatlong linggo ng bar exam kung saan, sasalang sa pagsusulit sa Mercantile Law at Criminal Law ang mga aplikante.
Habang sa November 25 ang pagsusulit para sa Remedial Law at Legal and Judicial Ethics and Practical Exercises.