BAR 2018 | Mahigit 500 law graduates, hindi sumipot sa unang araw ng bar exam noong Linggo

172

Manila, Philippines – 543 bar candidates ang hindi tumuloy o hindi natapos ang unang linggo ng bar examanization noong Linggo.

Sa datos ng Bar Confidant ng Korte Suprema, 8,158 lamang mula sa kabuuang 8,701 bar candidates ang dumating sa unang araw ng pagsusulit noong Linggo.

Hindi naman binanggit ng Bar confidant ang dahilan kung bakit hindi nakapag exam ang mahigit 500 law graduates noong linggo.

Noong linggo, November 4, political at International law ang coverage ng bar exam sa umaga habang sa hapon naman ay labor law at social legislation.

Sa ikalawang linggo ng bar exam sa November 11, sentro ng pagsusulit sa Civil at taxation law.

Facebook Comments