Sinisilip ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang posibilidad na alisin ang licensure examinations partikular sa law at nursing professions.
Ayon kay Bello, inirekomenda niya sa Philippine Nurses Association at Board of Nursing na huwag nang magsagawa pa ng board exam.
Tanong ng kalihim, bakit pa kailangan ng mga ganitong eksamen.
Maging ang bar examination para sa mga gustong maging abogado ay dapat na ring alisin.
Katwiran ni Bello, ang nursing course ay sobrang mahal at dagdag pasakit ang pagkuha ng board exams.
Aniya, ang mga estudyanteng kumukuha ng nursing profession ay marami nang kinukuhang tests at exams.
Basta ang estudyante ay nakapagtapos sa paraalang accredited ng Commission on Higher Education (CHED) ay hindi na kailangan ng licensure exams.
Maliban sa law at nursing professions, nais din ni Bello na buwagin ang licensure exams para sa engineers at dentists.