Bar Entertainer sa Tumauini Isabela, Timbog sa Drug Buy Bust!

Tumauini, Isabela – Timbog kahapon ang isang bar entertainer matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Tumauini, kinilala ang suspek na si Jane Villamor Mariano, dalawampu’t isang taong gulang, dalaga at residente ng nabanggit na lugar.

Kasama ang PDEA Northern Isabela sa operasyon kung saan ay matagumpay naman na naaktuhan ang suspek na nagbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa isang poseur.


Nakuha kay Mariano ang marked money na nagkakahalaga ng isang libong piso at dahil dito ay dinala agad sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda narin ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Facebook Comments