BAR EXAM | Admission fee, tumaas!

Manila, Philippines – Epektibo ngayong taon, inaprubahan na ng Korte Suprema ang pagtataas ng Bar Examinations Fee.

Mula sa dating P3,500 ay magiging P3,750 na ang Bar Examinations Fee o may dagdag na P250 katumbas ng 7.14 percent na pagtaas.

Ayon sa En Banc Notice ng Supreme Court, ang naturang pagtataas ay upang makaagapay ang korte sa gastos sa operasyon ng pagsusulit partikular sa gastos sa venue at maging sa iba pang logistical expenses at allowance ng mga itatalagang tauhan para sa eksaminasyon.


Inaasahan din umano ng Supreme Court na lolobo ang bilang ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong taon.

Umabot sa 7, 227 ang kabuuang bilang ng Law Graduates na pinayagan ng Supreme Court sa bar exam noong 2017.

Facebook Comments