Bar exam sa November, idaraos sa 14 na lugar

Kabuuang 14 na lugar ang pagdarausan ng localized at digitalized bar examinations sa Nobyembre.

Mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 29 local testing sites noong 2020/2021 bar exams.

Ayon sa Office of the Bar Confidant ng Supreme Court, isinasapinal pa ang testing areas na pagdadausan ng bar exams.


Kaugnay nito, binuksan ng Korte Suprema ang aplikasyon para sa magsisilbing local bar personnel.

Partikular sa mga posisyon ng floor supervisors, head proctors, proctors at runners.

Bukas ito para sa lahat ng empleyado ng hudikatura at sa mga abogado sa labas ng hudikatura.

Kabilang pa sa mga kwalipikasyon ay dapat fully vaccinated laban sa COVID-19 at dapat nakatanggap ng kahit isang booster shot ang aplikante.

Hindi naman dapat sila nagtuturo sa anumang law schools o review centers at walang kamag-anak hanggang ikaapat na civil degree na kukuha ng bar exams ngayong taon.

Ang OBC ang inatasan ng Supreme Court na pumili, magsanay at mag-deploy ng mga bar personnel.

Itinakda ang deadline ng aplikasyon sa Agosto 22.

Facebook Comments