Bar exams sa Nobyembre, pinagpaliban sa susunod na taon

78

Pinagpaliban ng Supreme Court en banc ang nakatakdang Bar Examinations sa darating na Nobyembre ng taong ito.

Sa unanimous decision ng mga mahistrado ng Korte Suprema, nagkasundo ang mga ito na sa January 16 hanggang February 6, 2022 na lamang idaos ang Bar exams.


Inaasahan kasi na sa pagpasok ng bagong taon ay bababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil malaking bilang na ng mga Pinoy ang naturukan ng COVID-19 vaccine.

Una nang inirekomenda ni Bar Examinations Chairperson Marvic Leonen na ipagpaliban sa susunod na taon ang pagdaraos ng pagsusulit upang matiyak ang kaligtasan ng bar applicants at ng personnel na mangangasiwa.

Facebook Comments