Depektibo at baradong mga drainage system ang isa sa nakikitang dahilan nang agad paghupa ng tubig baha sa ilang barangay sa Mangaldan ayon sa pagsusuri ng lokal na pamahalaan.
Sa post-disaster inspection na isinagawa, walang maayos na daluyan ng tubig lalo sa mga mababang lugar dahil dito.
Ilan sa ininspeksyon na barangay ay Anolid, Alitaya, Bantayan, Bateng, Malabago, Nibaliw, Pogo, Salaan, Talogtog, Tebag, at Guiguilonen kabilang ang tulay sa bahagi ng Sitio Baybay, Bantayan.
Rekomendasyon ng tanggapan na mapabilang sa flood mitigation projects ang tinukoy na drainage system.
Patuloy na tinututukan ang tuluyang paghupa ng tubig baha upang hindi makaapekto sa kalusugan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









