Isang nakitang dahilan ang baradong mga drainages dahil sa mga namuong mga basura sa Dagupan City kung nagiging mabagal at hirap ang pagdaloy ng tubig baha.
Alinsunod dito, ilang mga market inspectors ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang nagsasagawa ng pag-aalis at paglilinis nito o clearing operation upang tuluyang dumaloy pabalik ang tubig baha.
Pinayuhan din ng alkalde ang lahat sa tamang pagtapon ng basura sa mga tamang basurahan upang hindi ito magdulot ng pagkabara sa mga drainages at upang hindi rin ito mapunan sa tuwing ganitong panahon ng pagbaha at tanging basura ang makikitang aapaw mula rito.
Samantala, maging ang nakabarang mga waterlilies sa Magsaysay Bridge ay tinanggal na rin.
Pinapayuhan ang lahat na mag-iingat dahil pa rin sa nararanasang matinding pagbaha, maging alerto at handa. |ifmnews
Facebook Comments