BARADONG PALIKURAN SA PANGASINAN PROVINCIAL HOSPITAL, INIREKLAMO ONLINE

Idinaan sa social media ang reklamo ng ilang indibidwal ukol sa umano’y barado at kakulangan sa basahan ng mga palikuran sa Pangasinan Provincial Hospital.

Saad ng mga ito online na pagbutihin pa ang paglilinis sa mga pasilidad bilang institusyon na tumutugon sa kalusugan.

Tumugon naman ang pamunuan ng ospital na agad pinatawag ang mga staff upang aksyonan ang isyu.

Iminungkahi sa Provincial Engineering Office ang paglilinis sa mga lumang tubo at posibleng re-piping para hindi na muling magbara ang daluyan sa mga palikuran.

Bukod dito, namahagi din ng cleaning kit ang ospital para sa pagpapanatili ng kalinisan kasabay ng mandato sa mga nakaduty na tagalinis na tumalima sa checklist upang walang malimutan bago iendorso ang paglilinis sa susunod na kasamahan.

Dahil dito, planong gawin ang paglilinis sa mga palikuran kada tatlumpung minuto at kada dalawang oras naman sa pagtatapon ng basura.

Hinimok din ng tanggapan ang responsibilidad ng parehong mga staff, bisita at pasyente upang maging malinis at maayos ang mga pasilidad sa ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments