Barangay 12, nagpapasalamat sa malaking tulong na hatid ng DZXL News Todo Serbisyo

Dinagsa na mga tao ang covered court ng Barangay 12 sa Caloocan City para magpa-checkup ng libre at mag-apply ng trabaho.

Dahil dito ay lubos ang tuwa at pasasalamat ni Caloocan Brgy. 12 Chairman Darius Dayo Letada Sr., sa DZXL News dahil malaki aniyang tulong sa kanyang mga ka-barangay ang serbisyong hatid ng DZXL.

Sabi naman ni Brgy. 12 Councilor Darius Bebs Letada Jr., na napakaswerte ng kanilang barangay na syang napili para pagdausan ng “Todo Serbisyo Event” na may kaugnayasan sa ika-61 anibersaryo ng DZXL News.


200 job vacancies ang naghihintay ang handog ng “DZXL Todo Serbisyo”, may libreng gupit, libreng masahe at libreng checkup, habang sa barangay hall naman ay pwede mag-donate ng dugo sa tulong ng Philippine National Red Cross.

Facebook Comments