Barangay 621, Sta. Mesa, lubos ang pasasalamat sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho

Lubos ang pasasalamat ng Barangay 621 Sta. Mesa, Manila na pinamumunuan ni Brgy. Capt. Resaldo Ronquillo sa mga hakbang na ginagawa ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa pagbibigay ng oportunidad sa kaniyang constituents.

Sa pagbisita ng Radyo Trabaho Team sa Barangay 621 para sa “Katok Bahay, Sorpresa Trabaho”, nagpapasalamat si Barangay Kagawad Edgardo Villarama dahil mismong ang ating himpilan pa ang lumalapit sa mga barangay para mag-alok ng hanapbuhay sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Kag. Villarama, malaking tulong ito sa kanilang barangay lalo’t ngayon pa lamang taon sila nakakabawi mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.


Paliwanag ng opisyal, may mga proyekto sana sila noon tulad ng gardening ng mga gulay at herbal plants na dagdag sana sa pagkain at pwedeng pagkakitaan pero ito ay naapektuhan ng proyekto ng gobyerno.

Sinabi pa nito na malaking bagay ang ginagawa ng Radyo Trabaho Team dahil sa hirap ng buhay ngayon ay talagang kailangan ng trabaho ng kanilang mga kababayan.

Payo naman ni Kagawad Villarama sa mga kababayang naghahanap ng trabaho, kailangan lang ng sipag at walang pipiliing panahon o araw para masimulan ang pag-unlad.

Magandang balita rin dahil nagustuhan nila ang ating proyekto at mismong ang barangay ang nag-alok na maaari tayong magsagawa ng “mini job fair” sa kanilang lugar.

Facebook Comments