BARANGAY ANDARAYAN, FULL ALERT STATUS SA PAGHAGUPIT NG BAGYONG JULIAN

CAUAYAN CITY- Matapos sumailalim sa Signal no. 1 dulot ng Bagyong Julian, naka-full alert status ang pamunuan ng Brgy. Andarayan sa pagbabantay at pag-monitor sa sitwasyon sa lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Virgie Ancheta, Kagawad sa nabanggit na Barangay, isa ang kanilang Barangay sa madalas bahain sa Lungsod ng Cauayan kaya naman laging nakahanda ang kanilang hanay sa panahon ng kalamidad.

Aniya, agad nilang inabisuhan ang mga residente hinggil sa bagyo at kung maaari ay manatili muna sa kanilang tahanan upang maiwasan ang anumang sakuna.


Dagdag pa niya, tuwing nalulubog sa baha ang kanilang lugar ay pansamantala silang nakikituloy sa Barangay Bugallon dahil hindi pa tapos ang kanilang evacuation center.

Bukod dito, isa rin sa Barangay na tumutulong sa kanilang barangay ay ang Cassap Fuera kung saan ibinababa ang kanilang motorized na bangka upang maglikas ng mga residente.

Facebook Comments