Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Education na hindi kukulangin ang mga gurong tatayong Board of Election Inspectors para barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.
Ito ay kahit hindi na mandatory sa mga guro ang pagsisibli sa araw ng eleksyon kundi boluntaryo na lamang itong gagawin.
Sa interview ng Rmn Manila ipinaliwanag ni Education Undersecretary Tonicito Umali, hindi magkukulang ang mga guro dahil mayroon naman silang mahigit 800,000 teachers nationwide.
Sabi pa ni Umali, sa mga nagdaang halalan mahigit lamang sa 200,000 guro ang nagsilbi sa eleksyon.
Kasabay nito, tiniyak ng education department ang seguridad ng mga gurong magiging BOI kung saan magiging katuwang nila dito ang AFP at PNP.
Facebook Comments