Manila, Philippines – Nakatitiyak si Muntinlupa Congressman Rufino Biazon na matutuloy na ang halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa susunod na taon.
Sa ginanap na forum sa Manila sinabi ni Biazon na hindi na aniya ito maaaari pang ipagpaliban dahil kasunod na nito ang National election para sa Kongreso at Local Government Units.
Paliwanag ng mambabatas sakaling kanselahain na naman, kailangang baguhin o amyendahan na ang Saligang Batas na nagtatakda ng synchronized Barangay at SK election.
Dagdag pa ni Biazon na wala namang Barangay o SK leaders sa mauunlad na bansa gaya ng China, America, Singapore, Hongkong at iba pa.
Pero pabor naman ang kongresista na buwagin na ang mga Barangay dahil nagagamit lamang ang mga ito ng ilang politiko para sa pagsulong ng sariling interes.
Ugat din umano ito ng paghihirap ng taongbayan ang pakikilahok ng mga Barangay sa mga transaksyon ng pamahalaan, tulad ng pagkuha ng business permit na kadalasan ay kailanganin pa ng isang negosyante na kumuha ng permit mula sa kanyang barangay bukod sa Mayor’s permit mula sa pamahalaang lungsod.