Manila, Philippines – Planong aprubahan ng Kamara hanggang sa susunod na Linggo ang panukala para sa pagpapaliban ng Barangay at SK election. Ayon kay Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna, mamayang hapon ay balak na isalang sa plenaryo ang panukala para maumpisahan na itong talakayin ng mga kongresista. Samantala, minaliit naman ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali ang deklarasyon ng lider ng Senado na hindi na uubrang maisabatas ang panibagong postponement ng Barangay at SK elections kahit pa madaliin ito ng Kamara. Sinabi ni Umali, na dapat pa ring ituloy na isalang sa plenaryo ang committee report dito ng house committee on suffrage and electoral reforms. Naniniwala si Umali na posible pang ihabol ang pag-apruba sa Barangay at SK election postponement sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo bago ang kanilang recess. Dagdag pa ni Umali, hindi man ito pansinin ng Senado, atleast ay nagawa pa rin nila sa Kamara ang bahagi ng kanilang trabaho.
BARANGAY AT SK ELECTION | Pagpapaliban sa halalan, target na aprubahan sa plenaryo mamayang hapon; Patutsada ng Senado na hindi ito kakayanin, minaliit ng Kamara
Facebook Comments