Manila, Philippines – Nagtalaga ng eleksyon hotlines ang grupong Teachers Dignity Coalition at election watchdog na leente para sa mga gurong magsisilbi sa barangay at SK elections.
Ayon kay TDC National President Benjo Basas, ito ay upang mabigyan ng assistance at proteksyon ang mga gurong makararanas ng harassment, intimidation at iba pang emergency situation.
Maaari ring magreport ng dayaan at iba pang may kinalaman sa halalan.
Simula ngayong araw, bubuksan na ang mga hotline number ng TDC na
Landline: (02) 4446564
Mobile: 0999-9744612 | 0916-6126739
Paliwanag ni Basas na bubuksan na rin ang hotline numbers ng LENTE na
Landline: (02) 5021591
Mobile: 0917-1066265 | 0947-1644158
Dagdag pa ni Basas ang mga reklamong matatanggap ng TDC at LENTE mula sa mga guro ay agad na ipagbibigay alam sa COMELEC, Department of Education, at mga Law Enforcement Unit upang makagawa ang naturang mga ahensiya ng naturang aksyon.