Manila, Philippines – Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang calendar of activities na may kaugnayan sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa ilalim ng COMELEC resolution no. 10246, ang pagpa-file ng Certificates of Candidacy ay magsisimula sa April 14 at magtatapos ng April 20.
Itinakda naman ang campaign period mula May 4 hanggang May 12 kung saan ipagbabawal ang pagbibigay ng donasyon, gift in cash o in kind.
Bawal din sa campaign period ang pagtatalaga o paggamit ng special police o confidential agents.
Ang mga konstruksyon o pagsasaayos ng mga kalsada at tulay na pinopondohan ng barangay ay ipatitigil.
Hindi rin maari ang pagbuo ng mga bagong position, promotion, pagtanggap ng mga bagong empyado at umento sa sahod.
Ang kabuuan ng election period (April 14 hanggang 21), ipinagbabawal ng poll body ang pagbabago o pagtatayo ng presinto, pagdadala ng armas, paggamit ng mga kandidato ng security personnel o body guards, paglipat ng mga empleyado sa civil service at suspensyon sa anumang elective local officer.
Sa araw naman ng eleksyon, ang botohan ay magsisimula mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.