Manila, Philippines – Mahigpit ngayon na naipatutupad ang gun ban kaugnay ng pagsimula kahapon ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kung saan naglagay na ng mga checkpoint ang Commission on Election sa ibat ibang lugar sa buong bansa.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10198, bawat isang lungsod o munisipalidad ay kinakailangang may kahit isang comelec checkpoint.
Ang mga karagdagang checkpoint kasama na ang nasa ilalim ng PNP at AFP Command sa labas ng mga lungsod at bayan ay dapat na ipatupad sa pakikipag-ugnayan sa mga Election Officer na may Hurisdiksyon sa lugar.
Ang gun ban ay sinimulan ng ipinatupad kahapon ng alas-12:01 ng madaling araw na tatagal hanggang May 21, 2018.
Pinapayagan naman ang mga miyembro ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang Law Enforcement Agency ng gobyerno na Deputized ng COMELEC na magbitbit ng baril, pero dapat sila ay nakauniporme at nasa aktwal na pagganap ng kanyang tungkulin sa panahon ng eleksyon.
Ang mga nais namang mag-aplay ng Gun Ban Exemption ay maaring magsumite ng aplikasyon sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel sa Punong Tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila