BARANGAY AT SK ELECTIONS | DILG, naglatag ng plano kasunod ng mababang turn-out ng nag-file ng COC sa buong bansa

Manila, Philippines – Naglatag na ng plano ang Department of Interior and Local Government (DILG) kasunod ng mababang turn out ng mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa eleksyon sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon kay Assistant Secretary Jonathan Malaya, kabilang sa plano ay ang pagtatakda ng espesyal na araw o extension ng filing para sa mga lugar na walang naghain ng COC sa SK.

Kung sakali naman aniya na wala talagang takers sa SK, hihilingin nila sa mayor sa lugar na punan ang posisyon ng Local Youth Development Officer sa kanilang munisipalidad.


Ang mga Local Youth Development Officer aniya ay binibigyan ng kapangyarihan na ipatupad ang mga polisiya at program na itinatadhana ng SK Reform Act.

Ayon naman kay Education Assistant Secretary Alan del Pascua, nakaapekto sa mababang turn out ang pagka disqualify ng maraming nag file ng COC dahil sa paglabag sa anti dynasty provision ng SK Reform Act.

Nakulangan din aniya sa pag-iingay ang COMELEC kung kaya at kinapos sa kaalaman ang sektor ng kabataan na nawawalan na rin ng gana bunsod ng makailang ulit na na postpone ang eleksyong pambarangay.

Facebook Comments