MANILA – Kinumpirma ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na hindi matutuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakdang ganapin sa October 31.Ayon kay Abella, lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para opisyal nang maipagpaliban ang halalan.Dahil sa postponement, itatabi muna ng pamahalaan ang 6 na bilyong pisong pondo na nakalaan sa naturang eleksyon.Samantala hindi naman masagot ni Abella, kung nakapaloob sa panukala kung mananatili o papalitan ang mga kasalukyang barangay officials.Matatandaan, mismong si Pangulong Duterte ang nagsulong ng pagpapaliban ng halalan para hindi na kumalat ang drug money sa bansa.
Facebook Comments