BARANGAY AT SK ELECTIONS | Information dissemination patungkol sa voluntary service ng mga guro, paiigtingin ng COMELEC

Manila, Philippines – Mas papaigtingin ng Commission on Elections at ilang grupo ang information dissemination hinggil sa boluntaryo pagseserbisyo ng mga teacher sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio, tiniyak ng COMELEC na hindi pipilitin ang mga guro na magsilbing Boards of Election Tellers (BET) at Boards of Canvassers (BOC) sa Barangay Polls.

Aniya, isasama ng poll body ang pagpapirma ng consent form sa mga teacher bago maitalaga bilang BET at BOC member at ire-review ang list of appointments ng nationwide election officers kung nagboluntaryo talaga sila.


Siniguro rin aniya ng COMELEC na maibibigay ang honorarium ang bawa’t volunteer teacher sa loob ng labinlimang araw pagkatapos ng halalan mula sa animnalibong piso para sa chairman hanggang sa dalawang libong piso para sa isang support staff.

Facebook Comments