BARANGAY AT SK ELECTIONS | Kaliwa’t kanang vote buying, naitala sa maraming lugar kaugnay ng elections

Manila, Philippines – Kaliwa’t kanang insidente ng vote buying, flying voters, at harassment ang naitala sa maraming lugar kasunod ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa Pasay City, natigil sandali ang botohan sa precinct 569 sa Padre Zamora Elementary School.

Ito ay matapos magkainitan ang mga poll watcher ng magkalaban partido sa pagka-barangay chairman dahil may dumating umanong “flying voters.”


Bukod sa flying voters, marami ring nagreklamo tungkol sa mahahabang pila, nawawalang pangalan, mga presintong hindi nagbukas nang maaga at mga sample ballot na hindi dapat ipamigay.

Mayroon ding mga hindi nakaboto dahil may bumoto na gamit ang kanilang pangalan.

Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), walo ang naaresto dahil sa vote buying sa Quezon at Laguna.

Sa Upper Bicutan sa Taguig, nahuli din ang isang lalaking namimili ng boto sa halagang P1,000 kada botante.

Sa Mandaluyong, apat na botante rin ang lumapit sa pulisya dahil may nagpupumilit daw mag-abot sa kanila ng P300 sa Old Zañiga Polling Precinct.

May mga natanggap ding report ang Commission on Election (COMELEC) ng matinding harassment sa mga kandidato sa Regions 6, 7, at 8.

Facebook Comments