Manila, Philippines – Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ibibigay na seguridad sa Barangay at SK Elections,
Ito ay matapos i-anunsyo ang 53 barangay na kabilang election watch list areas sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN kay incoming PNP Chief, NCRPO Director Oscar Albayalde, nakitaan ng election related violence sa mga nagdaang eleksyon ang mga lugar na kasama sa watch list.
Pasok sa election watch list ang Caloocan, Navotas at Maharlika Village sa Taguig.
Nabatid na sa nakaraang Barangay Election noong October 2013, nasa 6,195 na mga barangay ang idineklarang hot spots.
Facebook Comments