BARANGAY AT SK ELECTIONS | Pag-imbentaryo ng mga pondo at proyekto ng mga talunang kandidato, prayoridad ng DILG

Manila, Philippines – Mangangailangan ngayon ng maraming accountants at abogado ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa isang media forum, inanunsyo ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na pasisimulan nila ang isang malawakang imbentaryo sa pondo at proyekto na ipatupad ng mga natalong barangay captains.

Kasunod ito ng mga reklamo na may barangay na overpriced ang kanilang mga proyekto.


Isa sa inihalimbawa ni Diño ang isang barangay na ang isang walis tingting ay binili sa presyong 300 kada piraso at proyektong basurahan na ginastusan ng halos isang milyong piso.

Mayroon din aniyang barangay na ang proyekto ay kulungan ng aso na nagkakahalaga ng siyam na libong piso.

Aniya, dapat maisagawa na ang inventory sa transition ng pag turn over ng mga gamit at proyekto sa mga papasok na bagong halal na chairman ng barangay.

Aniya, bahagi pa rin ito ng paglilinis sa barangay at pagtiyak na mapoprotektahan ang pondo ng bayan.

Facebook Comments