Manila, Philippines – Hands-off ang Malacañang sa pagsusulong sa Kamara ng isa pang panukala na magpapaliban sa barangay elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ipinaubaya na ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang nasabing issue.
Sinabi ni Roque na inihayag na ni Pangulong Duterte na gusto na niyang matuloy ang barangay elections pero kung makapag dedesisyon aniya ang Kongreso ay igagalang ito ng Pangulo.
Sa ngayon ay mayroong hakbang ang Kamara na muling ipagpaliban ang halalan pero hindi niya batid kung mayroong kaparehong panukala na tumatakbo sa Senado.
Facebook Comments