Barangay at SK elections, pinasasabayan ng referendum tungkol sa ChaCha

Hiniling ni Senator Robin Padilla na pasabayan ng referendum tungkol sa Charter Change o ChaCha ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sakaling matuloy na maipagpaliban ito para sa susunod na taon.

Sinabi ni Padilla, chairman ng Senate on Constitutional Amendments and Revisions of Codes and Laws, itutulak niya na masabayan ang eleksyon ng katanungan kung sang-ayon ba o hindi ang mga botante na amyendahan ang Konstitusyon.

Plano ni Padilla na maghain dito ng panukala para maisabay at maisama sa eleksyon ang pulso ng taumbayan sa ChaCha.


Sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na ito ay ‘feasible’ o kayang gawin.

Si Padilla ay kabilang sa mga nagsusulong ng pagbabago sa sistema ng gobyerno tungong federal at parliamentary.

Facebook Comments