BARANGAY AT SK ELECTIONS | PNP, naghahanda na!

Manila, Philippines – Magpupulong na ang Directorate for Intelligence para talakayin ang mga paghahanda may kaugnayan sa nalalapit na Sangguniaan Kabataan at Barangay election.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, partikular na pag-uusapan sa gagawing pagpupulong ang pagpapairal ng gun ban na aniya otomatikong ginagawa para sa anumang uri ng halalan sa bansa.

Tatalakayin rin ng PNP sa kanilang pagpupulong ang pagtukoy sa mga hotspots o mga lugar na may malimit na nangyayaring krimen kapag may eleksyon o di kaya may mainit na labanan sa posisyon.


Sa ngayon hinihintay na rin nila ng ibibigay ng Guidelines ng Commission on Election (COMELEC) para maging gabay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin para gaganaping Barangay sa election sa May 14, 2018.

Facebook Comments