Barangay at SK elections – tuloy sa Oktobre hanggat walang naamyendahang batas

Manila, Philippines – Hangga’t wala pang naipapasang batas upang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ay tuloy ito ngayong taon.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, bagama’t may naghain na ng panukala para ipagpaliban ang halalan na nakatakda sana sa Oktubre ay hindi pa ito pormal na natatalakay sa kamara.

Aniya, kung walang mangyaring amyenda sa batas hanggang sa agosto ay hindi na maaaring pigilan ang eleksyon.


Nauna nang ipinag-utos ng Pangulo ang pagpapaliban sa barangay at SK elections dahil baka magamit ang narco-money sa pangangampanya ng mga kandidato.
DZXL558

Facebook Comments