BARANGAY AT SK ELEKSYON | April 14 – May 21, itinakda ng COMELEC bilang election period

Manila, Philippines – Para sa Barangay at SK Elections sa darating na Mayo 14, 2018, inilabas na ng Commission on Election ang schedule ng mga aktibidad kaugnay dito.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10246, magsisimula sa:

April 14- ang filing ng Certificate of Candidacy at tatagal hanggang April 20. (1 week).


May 4 hanggang May 12 naman, itinakda ang campaign period para sa mga nagnanais na tumakbo sa local position, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng donasyon, regalo, pag-a-appoint ng Special Policemen o Confidential Agents, pagpapagawa ng daan o tulay na popodohan ng Barangay, pagbibigay ng salary increase, pagha-hire ng bagong mga empleyado at ano pa mang uri ng pamimigay ng pribilehiyo.

Sa bisperas naman ng Eleksyon (May 13), mahigpit nang ipagbabawal ang ano mang uri ng pangangampaniya.

Habang sa May 14 naman, ang pagboto ay maaari lamang gawin simula alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Ang election period ay itinakda simula April 14 hanggang May 21, kung saan ipinagbabawal ang pagpapalit ng mga Voting Precinct o Page- Establish ng mga bagong Precinct.

Sa Election Period na ito, bawal na rin ang:

Pagbibitbit ng armas at kahit ano mang Deadly Weapon,

Pagkakaroon ng Body Guards para sa mga kandidato,
At paglilipat ng mga opisyal at empleyado sa Civil Service.

Facebook Comments