BARANGAY BASED VACCINATION, SINIMULAN NA SA ALCALA

ALCALA, PANGASINAN – Sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa barangay sa bayan ng Alcala.

Sa unang araw ng Barangay-based vaccination, unang nagtungo ang vaccination team ng bayan sa barangay San Pedro Apartado.

Isinagawa ang pagbabakuna sa isang paaralan sa nasabing barangay.


Ayon sa lokal na pamahalaan, 21 barangay ang iikutan ng vaccination team kung saan dalawang araw silang mamalagi para sa pagbabakuna ng mga residente.

Samantala, wala ng aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Alcala. ###

Facebook Comments