Sampu sa kabuuang 142 barangay sa lungsod Quezon ang may pinakamaraming naitalang nagpositibo sa COVIĎ-19.
Base sa datos na inilabas ng QC government, nangunguna sa talaan ang Barangay Batasan Hills na mayroong 54 na COVID-19 cases na sinundan ng Barangay Culiat, Matandang Balara, Pasong Tamo, Bahay Toro, Tandang Sora, New Era, Tatalon, Holy Spirit at Barangay Pinyahan.
10 barangay din ang nangunguna sa ‘attack rate’ ng mga COVID-19 positive ang naitala ng LGU.
Ibig sabihin, ang attack rate ay ang dami ng positibong kaso ng COVID-19 sa bawat 10,000 papulasyon ng barangay.
Nangunguna naman dito ang barangay kalusugan na may attack rate per 10,000 population na 112 hanggang May 2.
Sinundan ng Barangay Old Capitol site na may 44, Phil-Am, Kristong hari, Lourdes, Siena, Mariblo, Dona Aurora, Escopa 1 at Immaculate Conception.